Monday, January 28, 2013

Fernando Amorsolo 1a.jpg Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang  pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.
Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamayang pilipino. Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang pambansang alagad ng sining ng pilipinas
halimbawa ng kanyang paintings 
 


Mga Magagandang Tanawin sa Maynila

 By: Cayabyab :)









Cultural Center of the Philippines



Corregidor                                                  Intramuros

                                           VIGAN, Ilocos Sur

Thursday, January 10, 2013

Pagdiriwang sa Maynila (AVP)

Seno, Coma, Arbañez, Alo, Annani



Pagdiriwang sa Maynila (SANAYSAY)

Pagdiriwang sa Maynila (SANAYSAY)

       Ang Maynila ay ang Kabisera ng Pilipinas. Ito ang sentro ng kalakalan. Hindi mawawala rito ang iba't-ibang pagdiriwang na siya namang nakadaragdag sa magandang rason kung bakit masayang bumisita sa Maynila.

       Isang halmbawa ay ang Pista ng Itim na Nazareno na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero. Pinaparada sa buong Maynila ang imahe ng Itim na Nazareno. Dito pa mas lalong nakikita ang matinding pananampalataya nating mga Pilipino sa Diyos.

       Isang halimbawa ang pagdiriwang na ito sa Maynila na tagumpay namang naisasagawa. Hindi lamang ito ang pagdiriwang. Marami pang iba na sigurado namang inaabangan ng mga nakatira sa Maynila.

       Ang mga pagdiriwang na ito ay sumusubok at nagpapatatag sa ating mga Pilipino ng ating pagka-Pilipino.

Seno, Coma, Arbañez, Alo, Annani

Thursday, January 3, 2013

Sanaysay

"Pangunahing Hanapbuhay sa Maynila"
Sanaysay 
Members:
Reyes, Andrea, Airis Graciela, Ortaliza, 
Geordan Glenn, Roncal,
 John Carlo at Moreno, Larry 

Ang Karaniwang pinagkakakitaan sa Maynila ay ang pagiging "Call Center Agent". Dahil dito napapamalas nila ang kanilang husay sa paggamit ng "English Language". Ito ay nakaka-tulong rin kung paano tayo makisalamuha sa ibang tao. Ito ay isang halimbawa ng magandang hanapbuhay sapagkat ang buhay sa kasalukuyan ay mahirap na matutulungan ka nito kung paano tumayo sa sariling mga paa at maging masinop sa mga bagay-bagay na ating pinang hahawakan. Ang "Call Center Agent" ay nakakatulong o nakakaimpluwensya sa kasaysayan ng ating bansa. Ito ang kahulugan ng "Call Center Agent" para sa ating lahat.