Thursday, January 10, 2013

Pagdiriwang sa Maynila (SANAYSAY)

Pagdiriwang sa Maynila (SANAYSAY)

       Ang Maynila ay ang Kabisera ng Pilipinas. Ito ang sentro ng kalakalan. Hindi mawawala rito ang iba't-ibang pagdiriwang na siya namang nakadaragdag sa magandang rason kung bakit masayang bumisita sa Maynila.

       Isang halmbawa ay ang Pista ng Itim na Nazareno na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero. Pinaparada sa buong Maynila ang imahe ng Itim na Nazareno. Dito pa mas lalong nakikita ang matinding pananampalataya nating mga Pilipino sa Diyos.

       Isang halimbawa ang pagdiriwang na ito sa Maynila na tagumpay namang naisasagawa. Hindi lamang ito ang pagdiriwang. Marami pang iba na sigurado namang inaabangan ng mga nakatira sa Maynila.

       Ang mga pagdiriwang na ito ay sumusubok at nagpapatatag sa ating mga Pilipino ng ating pagka-Pilipino.

Seno, Coma, Arbañez, Alo, Annani

No comments:

Post a Comment